Walang third party sa Paolo Contis, LJ Reyes breakup

NILINAW ni Lolit Solis, manager ni Paolo Contis na walang third party na involved sa pakikipaghiwalay ng aktor sa partner nito na si LJ Reyes.

“Walang third party sa hiwalayang Paolo Contis at LJ Reyes, it was a matter of na-outgrow na nila ang romance sa kanilang relasyon,” chika ni manay Lolit sa kanyang Instagram post.

“Kesa naman humantong pa sa pag-aaway, mas gusto na nila na maghiwalay nang maayos, at magdasal na mag-end as friends,” dagdag pa nito.

Chika pa niya, ‘wag isali si Yen Santos, naging ka-love team ni Paolo sa pelikulang ‘A Far Away Land’, sa usaping hiwalayan ng mag-asawa.

Wala pang opisyal na pahayag ang mag-partner na Paolo at LJ hinggil sa balitang hiwalay na nga sila.