BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong Diyembre 2022 matapos makapagtala ng 4.3 porsiyento, kumpara sa 4.2 porsiyento noong Nobyembre 2022, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Idinagdag ng PSA na umabot sa 2.22 milyon ang walang trabaho noong Disyembre kumpara sa 2.18 milyon noong Nobyembre o pagtaas ng 43,000.
“Employment rate in the country in December 2022 was estimated at 95.7 percent, lower than the reported employment rate in November 2022 at 95.8 percent but higher than the 93.4 percent employment rate reported in December 2021,” sabi ng PSA.
Ito’y katumbas ng 49 milyong may trabahong Pinoy.
Bumaba naman ang underemployment rate noong Disyembre 2022 matapos makapagtala ng 12.6 porsiyento mula sa 14.4 porsiyento noong Nobyembre 2022.