INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang kauna-unahang Public Private Partnership (PPP) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.
Layunin ng University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center PPP project ang modernisashon ng oncology services at cancer care sa bansa.
Sa ilalim ng PPP project, itatayo ang P6 bilyon, 300-bed capacity hospital.
Ito’y sa ilalim ng 30-taong programa ng Build-Operate-Transfer (BOT) Law.
Sa ilalim ng BOT, gagastusan ng pribadong kumpanya ang pagpapatayo ng ng isang proyekto at pangangasiwaan niya ang operasyon nito sa loob ng 30 taon at ibabalik sa gobyerno ang pamamahala makalipas ang 30 taon.
Itatayo ang Cancer Center, na may sukat na 3,000 square meters sa loob ng UP-PGH campus sa Maynila.