UMABOT na sa P4.1 milyon ang tulong na ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilya na apektado ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Sinabi ng DSWD na may kabuuang P1.5 bilyon ito para magamit samantalang P445.2 milyon naman ang standby funds at quick response fund (QRF).
Idinagdag ng DSWD na mahigit P1 bilyong halaga ng mga relief goods ang handa ring maipamahagi.
Base sa ulat ng DSWD, umabot na sa 97,206 pamilya ang apektado ng pananalasa ng bagyong Paeng sa iba’t ibang rehiyon, kung saan 12,304 pamilya ang nasa iba’t ibang evacuation centers.
Bukod sa Metro Manila, kabilang sa mga apektado ng bagyong Paeng ang Calabarzon, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen, Caraga Region, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).