#PaengPH death toll ibinaba sa 45

IWINASTO ng mga opisyal ng Office of Civil Defense na tanging 45 lamang at hindi 72 ang bilang ng mga nasawi sa severe tropical storm na Paeng.

Ayon sa mga opisyal na nagkamali ang mga rescue teams na ipinadala sa mga nasalantang lugar sa pagbibigay ng mga detalye.

May mga nadoble umanong ulat ng nasawi ang kanilang nabilang.

“When we consolidated the reports at 6:00 am today we realised there were only 40 dead, 31 injured and 15 missing,” ayon kay Naguib Sinarimbo, spokesman at civil defense chief.

Sa inayos na ulat, 40 ang nasawi sa Mindanao habang ang lima ay mula sa iba’t ibang panig pa ng bansa.