Tulfo brothers nanguna sa latest Pulse Asia survey; Imee Marcos pang-11 lang

PASOK sa una at ikalawang pwesto ang magkapatid na sina ACT-CIS Partlist Rep. Erwin Tulfo at broadcaster na si Ben Tulfo sa pinakahuling survey ng Pulse Asia Ulat ng Bayan para sa 2025 midterm elections.

Sa ginawang survey mula Set. 6 hanggang 13, nakakuha si Erwin ng 60.8 percent habang 49.6 percent naman ang kay Ben.

Nasa ikatlong pwesto sa survey si dating Senate President Tito Sotto na may 48.0 percent.

Nasa ika-apat at ikalimang pwesto naman ang mga reelectionist na sina Senador Pia Cayetano at Bong Go, na may 41.3 percent at 40.3 percent, ayon sa pagkakasunod.

Pasok naman sa ika-anim na pwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa ika-pito si Makati City Mayor Abby Binay. Pang-walo naman si Senador Bong Revilla.

Pasok sa top 12 sina dating Senador Panfilo Lacson at Manny Pacquiao (31.9 percent), reelectionist Imee Marcos at Bato dela Rosa.