IGINIIT ni senatorial aspirant Raffy Tulfo na hindi kailangang humingi ng tawad ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga kasalanan ng kanyang ama na dating pangulo ng bansa.
Sinabi ni Tulfo na ang isyu sa ill-gotten wealth ng mga Marcos ay dapat ipaubaya na lamang sa korte.
“Kasalanan nung tatay, bakit magiging kasalanan ng anak? Why would he apologize for something that he did not do, na ang may kagagawan ay tatay niya? Opinyon ko yan,” ani Tulfo.
“Bakit yung kasalanan ng kamag-anak ipinapasa sa isang kamag-anak? Because I myself [have] been a victim of that. Just because nagkaroon ng isyu yung mga kapatid ko na kaapelyido ko, pati ako nadadamay. Dapat hindi ganun,” dagdag ni Tulfo.
Ani Tulfo, hindi dapat idamay ang kamag-anak sa kasalanan ng isang indibidwal.
“Give the other relative na walang kinalaman sa kaso a chance na para maprove ang sarili niya,” dagdag pa nito.