UPANG mas mapaigting pa ang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika, sinabi ni presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kailangan ang “trade” at hindi lang pagtanggap ng mga dole outs ang dapat hintayin sa Estados Unidos.
“Trade, not aid. Balik pa din tayo doon,” ayon kay Marcos sa briefing matapos ang pakikipag-usap nito kay US Chargé d’Affaires Heather Variava na bumisita sa kanya nitong Lunes.
“We will welcome any assistance for the economy that we can get from the United States, but I said not only a dependence on aid from the United States, but also in trade,” giit ni Marcos.
Isa sa nais na higit pagtuunan ng papasok na administrasyon ay makakuha ng mas maraming investors na makakatulong upang makabangon ang ekonomiya na pinabagsak ng pandemya.
“To open the government, the bureaucracy, this administration to the possibility of private-public partnerships, joint ventures [between] the Philippines and America,” dagdag pa ni Marcos.
“Marami tayong history sa ganiyan, na nagbubukas dito ng kumpaniya na American. So that is a well-established role that we have,” anya pa.