Mr. Official hilong-talilong paano makakuha ng posisyon sa BBM admin

PARANG asong naghahanap ng bagong amo ang isang government official ngayong patapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Eh bakit nga naman hindi, bukod sa wala namang ipinakitang magandang outcome sa kanyang kasalukuyang pwesto ay nuknukan pa ng gatos ang opisyal na ito.

Sinabi ng aking spotter na gusto ni Mr. Government Official na manatili sa pwesto niya para tuloy ang pabibigay ng proteksyon sa ilang pinapanigang kaibigan.

Pati raw ang pagkuha ng business permit, lisensya sa baril ay pinapasok na rin ng opisyal na ito kapalit syempre pa ng pabor sa ilang maimpluwensiyang negosyante at minsan ay mga pulitiko.

Dati ko na ring narinig ang isang secret voice recording ng mamang ito na nagwawala dahil hindi niya nakuha ang pamumumo noon sa PCSO.

Ang gusto niya dati ay maging chairman ng nasabing tanggapan at hindi daw niya tatanggapin ang naunang inialok sa kanya na pwesto bilang board member.

Bilang pakunswelo-de-bobo ay ginawa siyang pinuno noon ng isang makapangyarihang ahensya pero hindi rin siya nagtagal dahil puro porma lang ang ginawa niya roon at sa totoo lang ay hindi kaya ng hambog niyang utak ang trabahong iniatang sa kanyang balikat.

At ngayong matatapos na ang termino ng outgoing administration ay panay na ang “baka naman” ng opisyal na ito.

Ang opisyal na tinutukoy natin na pwede ring kontrabida sa pelikula dahil sa kanyang mala-halimaw na pangangatawan ay si Mr. M….as in Macho Papa.


Para sa reaksyon o komento at tanong mag-email sa [email protected]