TODO–TODO pa rin ang pasasalamat ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III kay Pangulong Duterte sa sinabi nito na siya ay “capable man” sa State of the Nation Address (SONA) noong Lunes.
Ayon kay Sotto, nagulat siya nang banggitin siya ni Duterte sa talumpati nito.
“Na-humble ako, kasi Presidente ‘yun, sa SONA pa niya sinabi,” aniya.
Nag-uusap kami…nagulat nga ako nung binanggit pa niya sa SONA. Biniro na rin ako ng Presidente doon sa loob. Pero doon sa loob, parang hindi biro. ‘Yung sa SONA, mukhang hindi rin biro. So, nagulat lang ako na binanggit niya doon,” kwento pa ng mambabatas.
Sa SONA, sinabi ni Duterte na si “Sotto” ay isang “good man” at pwede itong maging isang “good vice president.”
Kaya ang hirit ni Sotto: “Pareho kaming qualified. Biro lang.”
Matapos ang SONA, igjniit ng Malacañang na hindi iniendorso ng Pangulo si Sotto.
–A. Mae Rodriguez