PINATAWAN ng Kamara ng 60 araw na suspensyon si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. matapos mabigong sundin ang 24 oras na ultimatum sa kanya para umuwi ng bansa.
Sa botong 292 na walang kumontra at nag-abstain, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ang naging rekomendasyon ng House committee on ethics and privileges.
Mismong si Pangulong Bongbong Marcos na ang nanawagan kay Teves na umuwi na ng bansa.
Sinasabi na may kinalaman umano si Teves sa pamamaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Tiniyak naman ni Marcos na walang banta sa buhay ni Teves at ng kanyang pamilya, taliwas sa nauna nang naging pahayag ng kongresista.