KUNG tatanungin ang mga taga-Davao, nakasaklay ang pag-unlad ng Pilipinas sa tandem nina Sara Duterte-Carpio at Pangulong Duterte.
Ayon kay pesidential spokesperson Harry Roque, naranasan na ng mga taga-Davao City na pamunuan ng mag-amang Duterte.
“Nagkaroon na ng Duterte-Duterte in Davao. Let’s ask the people of Davao if it was good for the city because that could also be a clue that could help us decide if a Duterte-Duterte tandem would be good for the country,” ani Roque.
Matatandaang pormal nang nanawagan ang ruling Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) kay Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa eleksyon sa susunod na taon habang isiniwalat ni Albay Rep. Joey Salceda na sigurado nang kakandidato sa pagkapangulo si Carpio. –WC