ABSWELTO man sa blue ribbon committee ng Senado na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino, ipatatawag naman ng House committee on good government and public accountability si Executive Secretary Vic Rodriguez para pagpaliwanagin sa naging papel nito kaugnay ng planong importation ng 300,000 metriko toneladang asukal.
Ito ang inihirit ni Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta sa isinasagawang pagdinig ng Kamara hinggin sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4.
Ayon kay Marcoleta, dapat marinig pa ang panig ni Rodriguez kaugnay sa isyu.
“Why did we not invite the executive secretary in order to shed light on these allegations and claims. If it is true, that they were discussing the urgency of this issue that there is impending shortage,” sabi ni Marcoleta.
Nauna nang sinabi ni dating Agriculture undersecretary Leocadio Sebastian na pumirma siya para kay Pangulong Bongbong Marcos base na rin sa naging kautusan ni Rodriguez.
Hindi pa umaakto ang dalawang panel sa mosyon ni Marcoleta, as of posting time.