BINATIKOS ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon province si dating Speaker at Davao Del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa pagkuwestyon nito sa isinusulong na hakbang ng Kamara para amyendahan ang Konstitusyon.
Sa isang kalatas, sinabi ni Suarez na ang ginagawang pag-iingay ng dating lider ay “nothing more than a futile attempt to derail progress.”
Reaksyon ito ng bagong halal na Deputy Speaker sa nakaraang panayam kay Alvarez kung saan kinukuwestyon nito ang isinasagawang people’s initiative para amyendahan ang 1987 Constitution at akusahan si Speaker Martin Romualdez na siyang may pakana nito.
“Former Speaker Alvarez’s allegations are not just unfounded; they reek of desperation and a disregard for the truth. Accusing Speaker Romualdez of orchestrating the ‘People’s Initiative’ without a shred of concrete evidence is not only irresponsible but also a clear attempt to destabilize our legislative proceedings,” ani Suarez.
Isa rin umanong ‘hypocrisy’ ang kilos na ipinakikita ni Alvarez sa pagtutol sa isinusulong ng people’s initiative na magbibigay daan para sa Charter Change.
Anya si Alvarez ay pangunahing proponent ng Chacha noong panahon ni dating Pangulong Duterte, bukod pa sa isa rin siya sa 301 kongresista na pumirma noong isang taon para sa Resolution of Both House No.6 para itatag ang constitutional convention para amyendahan ang Konstitusyon.
“This underscores the inconsistency in former Speaker Alvarez’s current stance on constitutional reforms, considering his prior support for RBH 6 last year,” ani Suarez.