Suarez kay Zubiri: Walk the talk, RBH 6 ipasa

MULING pinaalalahanan ni House Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez si Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na panindigan nito ang kanyang commitment kay Pangulong Bongbong Marcos na sisimulan ang diskusyon at pagpasa ng Resolution of Both Houses (RBH) No.6 sa susunod na buwan.

Panatag naman si Suarez ng Quezon na magiging tapat ang lider ng Senado na pagugulungin agad ang diskusyon ng RBH No. 6 at makabuo ng 18 na boto para maipasa ito na siyang magiging daan para tuluyang masimulan ang pagsusulong ng pag-amyenda sa mga economic provisions ng Konstitusyon.

“We in the House of Representatives believe that SP Zubiri will be true to his word and walk the talk in realizing his commitment to President Marcos to approve RBH No. 6 before the Holy Week break this year, which is by the end of March,” pahayag ni Suarez.

Ang RBH No. 6 o “A Resolution of Both Houses of Congress proposing amendments to certain provisions of the 1987 Constitution of the Republic of the Philippines, particularly on Articles Xll, XlV and XVl” ay dapat anyang maging prayoridad ng Kamara at Senado.

“And on our part in the House, we will be waiting here and assure all stakeholders that we will immediately act on the Senate approval. Naghihintay lang kami dito for the delivery of Zubiri’s promise,” dagdag pa ni Suarez.