MATAPOS ang kontrobersya hinggil sa planong importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal, nagbitiw na rin sa kanyang pwesto admistrador Sugar Regulatory Administration na si Hermenegildo Serafica.
Isa si Serafica na lumagda sa resolusyon ng Sugar Regulatory Board para sa importasyon ng 300,000 metriko toneladang asukal na kinansela naman ni Pangulong Bongbong Marcos.
Sa isang liham na may petsang Agosto 13, sinabi ni Executive Secretary Vic Rodriguez kay Serafica na ang kanyang pagbibitiw ay tinanggap na ni Marcos Jr.
Si Serafica ang ikatlong pumirma sa kontrobersyal na Sugar Order No. 4 na nagbitiw sa kanyang puwesto, matapos ituring ng Malacañang na ‘ilegal’ ang nasabing resolusyon.
Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na hindi nila alam na ang order ay na-upload sa website ng SRA.
Una nang nagbitiw si Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian, na siya umanong nag-apruba ng resolusyon base umano sa utos ni Marcos.