Special tracker team binuo para hagilapin si Roque

ISANG special tracker team ang binuo ng Philippine National Police para hagilapin ang nagtatagong si dating Presidential Spokesperson Harry Roque.

Kabilang sa team ay ang ilang pulis na tumunton sa kontrobersyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Apollo Quiboloy na ngayon ay hawak na ng pulisya.

Wanted si Roque ng House Quad Committee na dumidinig sa isyu ng ilegal na offshore gaming hubs, EJK, drugs matapos nitong i-contempt ang dating opisyal.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Marbil, ang operasyon na ikakasa laban kay Roque at maging sa mga coddlers ni Quiboloy ay ipatutupad na naayon sa batas.