BINATIKOS ni House Speaker Martin Romualdez ngayong Lunes si Vice President Sara Duterte sa ginawa nitong pagbabanta sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at maging sa kanya.
Sa kanyang speech sa plenary session, sinabi ni Romualdez na ang mga pahayag ni Duterte ay isang direktang banta sa demokrasya ng bansa.
“Let me be clear: Hindi na ito biro. Hindi na ito normal na pananalita. Isa itong direktang banta sa ating demokrasya, sa ating pamahalaan, at sa seguridad ng ating bansa,” ayon kay Romualdez.
Nakakabahala rin umano ang ginawa ni Duterte.
“Such a statement is not just reckless — it is dangerous. It sends a chilling message to our people, a message that violence can be contemplated by those in positions of power.
“This is not just an affront to the individuals targeted; it is an attack on the very foundation of our government. It is an insult to every Filipino who believes in the rule of law and the sanctity of life. Violence has no place in our society. It is irreconcilable with the values that have taught and guided us for years – values of respect, and amicable peaceful conflict resolution,” dagdag pa nito.
Hinikayat din ni Romualdez ang mga kasamahan sa Kamara na seryosohin ang naging pahayag ng bise president, at dapat anyang panagutin ito.
“The gravity of such a confession demands accountability. It demands answers. It demands that we, as the representatives of the Filipino people, take a stand to protect our democracy from any and all forms of threats.”
Naniniwala rin umano siya na hindi na sana mangyayari ang ganitong sitwasyon kung sinagot na lamang ni Duterte ang mga isyung ibinabato sa kanya hinggil sa diumano’y kuwestyunableng paggasta ng confidential funds na nagkakahalaga ng P612.5 milyon.
“Kung wala kang itinatago, bakit hindi sagutin ang mga ⁶tanong? Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan,” anya.
“Hindi ito personal. Ito ay usapin ng pananagutan at tiwala ng taumbayan. Instead of providing clarity, we have seen attempts to shift the narrative, to create distractions, and to fabricate stories,” hirit pa nito.