NANINIWALA si ACT Teachers party-list Rep. France Castro na inisyal na tagumpay para sa mga Pinoy ang naging desisyon ng Kamara na huwag nang gamitin ang pondo ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance Corporation (GSIS) ang itatayong Maharlika Wealth Fund.
“But we must still be vigilant because funds from the General Appropriations Act (GAA) and special appropriations are still included and taxpayers are still the ones to pay the sovereign guarantee of the MWF,” sabi ni Castro.
Idinagdag ni Castro na mananatiling nakaalerto ang Makabayan bloc sa ilalagay na probisyon ng Kamara.
“If the Marcos administration will still insist in enacting the Maharlika Wealth Fund then it should be funded from a wealth tax and not from the hard earned taxes of our people,” aniya.