Lotilla, Solidum, Uy lusot na sa CA

LUSOT na sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA) sina Energy Secretary Raphael Lotilla, Science and Technology Secretary Renato Solidum at Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy.

Inaprubahan din ng CA ang pagkakahirang ni dating Foreign Affairs Secretary at ngayon ay Philippine Ambassador to the United Kingdom Teddy Boy Locsin.

Lusot na rin sa CA ang 60 iba pang itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa foreign service position.