NAGPAHAYAG ng pagkabahala si House Deputy Minority Leader at ACT Teacher party-list Rep. France Castro sa pagbisita ng mga pulis sa bahay ng mga miyembro ng media.
Partikular na binanggit ni Castro ang pagpunta sa bahay ng GMA 7 reporter na si JP Soriano.
“Nakababahala ito kasi ganito din ang ginawa sa mga teachers na pinuntahan sa bahay pero pinoprofile na pala sila. Kasunod naman nun ay tumindi na ang red tagging sa mga guro. Sa Masbate sa ngayon kapag umatend daw ng meeting ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ay binibisita ng army at ang dami tinatanong at pinapaalis sila sa pagiging miyembro sa ACT,” sabi ni Castro.
Idinagdag ni Castro na illegal na kinukuha ng mga pulis ang personal na impormasyon ng mga mamamahayag kasama na ang tirahan, ang kanilang paniniwala sa politika.
“Even though, Police Brig. Gen. Jonnel Estomo, head of the National Capital Region Police Office (NCRPO) of the Philippine National Police (PNP), apologized for the incident and supposedly ordered all police chiefs, down to the stations, to stop the home visits, we think that this incident has to be investigated by Congress and should not be taken as an isolated incident and be viewed on the wider perspective of media harassment, red tagging and extra-judicial killings,” dagdag ni Castro.