UURIRATIN na ng House tri-committee (tri-com) kung nagbabayad ba ng tamang buwis ang mga social media influencers at vloggers sa gagawing ikalawang pagdinig sa Martes, Pebrero 18.
Ilang sa mga naimbitahan ng House committees on public order and safety, information and communications technology at public information sa gagawing hearing ay si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. at kanyang mga tauhan.
Iniimbestigahan ngayon ng tri-com and paglaganap ng fake news at bahagi ng ginagawang pag-usisa ay kung ang mga kilalang social media influencer at vloggers ay nagdedklara ng tama nilang kita at nagbabayd ng tamang buwis.
“We are not only looking into the spread of disinformation but also ensuring that these influencers and vloggers comply with tax regulations,” ayon Santa Rosa Lone District Rep. Dan Fernandez, na siyang tri-com overall chair.
“This is about transparency and fairness. If traditional media, businesses and workers all pay taxes, then digital influencers who earn from public engagement should do the same,” dagdag pa nito.
Kabilang sa mga naimbitahang dumalo ay ang dating Communications Office secretary ni Pangulong Bongbong Marcos na si Trixie Cruz-Angeles, Krizette Laureta Chu, Mark Anthony Lopez, Joie De Vivre, Banat By, MJ Quiambao Reyes, former Duterte administration official Lorraine Marie Badoy-Partosa, at Sass Rogando Sasot, na kumikita sa pamamagitan ng mga social media platforms gaya ng Faceboo, YouTube, TikTok at Instagram.