SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na kinokonsidera ng pamahalaan ang pagbebenta sa merkado ng mga nakumpiskang sibuyas sa harap ng napakataas na presyo nito dahil sa kakulangan sa suplay.
“We’re trying to find ways to bring the smuggled onions that have been caught na ilagay na sa market para mabawasan ang supply problem,” sabi ni Marcos.
Inamin naman ni Marcos na may isyung legal sa magiging hakbang.
“But there are some legal issues to doing that immediately. So we’re still working on that. But we will keep the prices down by monitoring what’s happening in our palengke,” dagdag ni Marcos.
Sa ilalim ng batas, kailang sirain ang mga nakumpiskang smuggled na produktong agrikultura.
Nauna nang sinabi ni Customs Commissioner Yogi Ruiz na tinitingnan nila ang posibilidad na i-donate ang mga nakumpiskang agricultural products gaya ng sibuyas, bagamat hindi ito magawa agad dahil sa mga prosesong kailangan munang gawin.