INULAN ng batikos mula sa netizens ang umano’y pamimigay ng high-end na motorsiklo sa mga Sangguniang Kabataan chairpersons ng bayan ng Rodriguez, Rizal para gamitin umano sa pag-iikot ngayong pandemya.
Sa binura nang post sa Facebook, naglista ang isang residente ng ilang tanong ukol sa distribusyon ng NMAX na motorsiklo sa 11 chairpersons ng nasabing munisipalidad ng Rizal. Nagkakahalaga ng mula P120,000 hanggang P134,000 ang presyo ng motorsiklo
1. Saan galing ang ipinambili? Sa sariling bulsa ba ng mga opisyal ng munisipyo o sa kaban ng bayan?
2. Bakit hindi sa mga tanod ibinigay/iniregalo ang motorsiklo gayong sila ang gising at rumoronda sa magdamag?
3. Nakapangalan ba ang mga ito sa mga SK chairpersons at pwede ba sa personal use?
4. Makatwiran bang tanggapin ng mga SK execs ang motorsiklo habang maraming taga-Rodriguez ang nanghihirap?
5. Wala bang mas murang motorsiklo na pwedeng gamitin sa pag-iikot?
6. Tama bang bigyan/regaluhan ng mga opisyal ng ganoon kamahal na motorsiklo ang mga SK chairpersons?
Karamihan ng mga nagkomento na taga-Rodriguez ay nagtataka kung bakit inuna pa ang pamimigay ng motorsiklo kesa sa ayuda sa mga apektado ng Covid-19.