LUSOT na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang SIM card registration bill na naglalayong irehistro ang lahat ng mga postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards sa harap ng pagdami ng mga text scam.
Mismong si Speaker Martin Romualdez ang pangunahing may-akda ng pangunahing batas.
Inaprubahan ng Kamara ang rekomendasyon ng House committee on information and communications technology na pinangungunahan ni Navotas Rep. Tobias Tiangco na i-adopt ang House Bill (HB) No. 14 bilang substitute bill ng 15 panukalang batas.
“It is an accepted fact that anonimity involved in prepaid SIM cards constitutes a major threat to our law enforcement. Banking and financial frauds, kidnapping, sexual exploitation of children, cyber theft, and other similar crimes have been reported, but remain unsolved due to untraceable nature of disposable SIM cards,” sabi ni Tiangco.
Matatandaang vineto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kaparehong panukala dahil umano sa mga ipinasok na amendments sa orihinal na bersyon nito.