MAY good news para sa mga empleyado ng Senado.
Ito ay matapos ianunsyo ni Senate Presiden Juan Miguel Zubiri na mula sa P12,000 na inflation assistance, ay tatanggap sila ng P50,000 sa Agosto.
Paliwanag ni Zubiri, manggagaling ang pondo mula sa Senate savings.
Bukod dito tataas din ang matatanggap na medical assistance para sa mga empleyado nito sa P50,000 mula sa kasalukuyang P30,000. Makukuha naman nila ito sa Setyembre.
“Ginamit po namin ang savings kapag nagkakasavings kami sa Senado dinaragdagan namin ang incentives para sa mga empleyado namin,” pahayag ni Zubiri sa isinagawang flag raising ceremony Lunes ng umaga.
Ang inflationary adjustment ay tugon sa arawing gastos ng mga empleyado ng Senado.