BINIGYANG-pugay ng Senado si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada dahil sa serbisyo at kontribusyon nito sa bansa.
Sa pamamagitan ng Senate Resolution 1295, ginawa ng Senado ang pagkilala nitong Martes na dinaluhan ni Erap, kanyang misis na si dating Senador Loi Estrada at mga anak.
Pinangunahan ni Senate President Chiz Escudero ang pagbibigay pugay sa dating pangulo at inilarawan si Erap bilang “true leader who used the Senate for public service, not personal ambition.”
Bilang pangulo, itinalaga din anya ni Erap ang magagaling na opisyal para i-revive ang ekonomiya matapos ang Asian financial crisis.
Bago naging senador at pangulo, matagal din naging alkalde ng San Juan si Erap na malaki rin ang naiambag sa pelikulang Filipino.