PABOR si Vice President Sara Duterte sa panukalang rightsizing ng mga ahensiya ng pamahalaan para makatipid, bagamat hindi anya niya ito nakikitang mangyayari agad-agad.
“I don’t see it happening in the short term dahil mahirap po mag-rightsize ng buong government. Nahirapan nga kami sa doon sa LGU (local government unit) namin, all the more dito na buong national government,” ayon kay Duterte na kasalukuyan ding Education Secretary.
Ginawa ni Duterte ang pahayag matapos irekomenda ng economic team ni Pangulong Bongbong Marcos ang mag-rightsize sa gobyerno para tanggalin ang mga redundant, walang pakinabang na mga ahensya ng pamahalaan para makapagtipid.
“But, I think it’s a good direction sa ating Pangulo para po nare-review natin kung lahat ba nung mga empleyado at lahat ng mga posisyon ay useful siya doon sa mga agencies and offices,” dagdag pa ni Duterte.
Hindi naman matukoy ni Duterte kung kasama ang DepEd sa maapektuhan ng rightsizing. Anya: “Hindi pa po ganyan ka-in depth ang discussion sa rightsizing. It was just initially sinabi ng pangulo na i-explore po para sa gobyerno.”