Blackpink may grand concert sa Philippine Arena?

MAINIT ang usap-usapan ngayon sa social media tungkol sa kung sinong K-pop group nga ba ang magkakaroon ng grand concert sa Philippine Arena ngayong taon.

Sa isang panayam, sinabi ng SSN Network sa Outh Korea at ng AQ Prime, na naghahanda na sila para sa isang grand K-pop concert sa Philippine Arena.

Sinabi ni SSN network chairman Son Sang Hwan na ang concert na gagawin ay isang kampanya para bigyang proteksyon ang environment at makagawa ng eco-friendly na mga nasyon sa mga susunod na taon.

“It is a concert held in partnership with AQ Prime. It will be held at the Philippine Arena and will invite top Korean idol singers to promote the importance of the environment to the younger generation in the Philippines,” pahayag ni Son.

Hindi naman kinumpirma at itinanggi ni Son na ang all-girl group na Blackpink ang magko-concert sa Arena.