PALAISIPAN sa maraming Pinoy ang paglipad kahapon patungong Singapore ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio.
Ayon sa ulat, dumating ng NAIA Terminal 2 si Carpio sakay ng Philippine Airlines (PAL) mula Davao alas-9 ng umaga.
Alas-2:15 ay sumakay siya ng Singapore Airlines flight (SQ-917) patungong Singapore sa NAIA Terminal 3.
Sinabi pa sa ulat na kasama niyang lumabas ng bansa ang isang bata, kanyang assistant at isang Presidential Security Group bodyguard.
Kanya-kanya namang palagay ang mga netizens kung bakit nagtungo ng Singapore si Carpio.
“Duterte was a no show last night, Monday, in his usual rambling inuman style of late night talk show and today Sara flies to Singapore. Where is Digong? Remember that rumor from last year about BBM being flown to Singapore because he was apparently COVID-19 positive ? I wonder if this is happening to Digong now,” komento ng isang miyembro ng 1Sambayanan Facebook group.
“Baka magkakabit ng tarpaulin doon. Run Sara Run,” hirit ng isa pang tila kontra sa pamahalaan sa Twitter.
“I don’t wanna side with or defend her, pero buti pa siya may kayang makaalis sa bansang to,” sabi ng isa pa Reddit.