TINIYAK ni Albay Rep. Joey Salceda na dadaan sa matinding deliberasyon ng Kamara at Senado ang panukalang Maharlika Investment Fund.
Ginawa ni Salceda ang pagtiyak matapos hindi sang-ayunan ni Senador Imee Marcos ang isinusulong na panukalang batas na inisponsoran mismo ng pinsan na si Speaker Martin Romualdez at pamangkin na si Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos.
“The bill will still go through deliberations in both Houses and the Senate, I believe, has already constituted a study group on the matter. We can discuss the mix of assets that the fund will invest in, but some allocation for foreign securities is necessary,” sabi ni Salceda.
Nauna nang kinontra ni Marcos ang panukala na gamitin ang pondo ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System para sa pagtatayo ng P275 bilyong Maharlika Wealth Fund.
“As Chair of the House TWG on the bill, I welcome continued discussion on the matter. I am sure Senator Marcos will also be very active in discussions once the Senate begins hearings on the bill,” aniya.