Bentahan ng tiket para sa fan meet ni Kim Seon-ho bukas na

MABIBILI na ang tiket para sa fan meet sa Maynila ng Korean heartthrob na si Kim Seon-ho, ayon sa PULP Live World.

Idinagdag ng PULP Live World na alas-12 ng tanghali ngayong araw, Disyembre 4, 2022 ay mabibili na ang tiket sa SM Tickets outlets nationwide at smtickets.com.

Nakatakdang isagawa ang fan meet ni Seon-ho sa Mall of Asia Arena sa Enero 22, 2023.

Mabibili ang tiket mula P2,000 hanggang P12,500.

Matatandaang sumikat si Seon-ho bilang second male lead sa Korean hit drama na Start-Up.

Naging male lead naman si Seon-ho sa romantic comedy (rom-com) Korean drama na Hometown Cha-Cha-Cha.