Roque sa dilawan: O ‘di ba, fit and healthy si Presidente?

HINDI lang fit and healthy, mukhang bumata rin ang itsura ni Pangulong Duterte nang humarap ito sa bayan Lunes ng gabi, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque.


Sinabi pa ni Roque, sa kanyang press briefing, na pinatunayan ng “Talk to the People” public address na walang sakit ang Pangulo, hindi gaya ng pinalalabas ng mga dilawan o ang mga taong kontra sa administrasyon.


“Ang paglabas po ng ating Pangulo ay patunay na ang Punong Ehekutibo ay nananatiling fit, healthy, not to mention mukhang bumata sa kanyang edad,” ani Roque.
Si Duterte ay 76.