BINATIKOS ni Presidential Spokesman Harry Roque ang University of the Philippines executive committee na nagpahayag ng pagkontra sa kanyang nominasyon sa United Nations advisory body.
Ayon kay Roque, dahil sa pagkakasalungat nila sa politika ng mga opisyal ng UP, kaya’t madali para sa huli na “conveniently ignore and erase” ang kanyang mga accomplishment.
“I respect the right of the committee and its members to proffer their opinion on my candidacy and I understand that my actions, especially in accepting a Cabinet post as spokesperson to the President will not please everyone,” ayon kay Roque.
“However, the flimsy justification made to object to my nomination and election to the International Law Commission makes it clear that there are some sectors who will do everything to besmirch my good name, reputation and integrity simply because I do not subscribe to and share their same political beliefs,” dagdag pa ni Roque, na nagtapos ng law sa nasabi ring unibersidad at nagturo sa UP College of Law sa loob ng 15 taon.
Hinamon niya ang mga opisyal na patotohanan ang kanilang pahayag na “poor” ang kanyang track record sa pagsusulong at pagtatanggol sa karapatang pantao.
“For over 30 years, I have been an advocate of human rights, having spent most of my professional life as a member of civil society and as a public interest lawyer representing persons and sectors who have needed to be championed,” dagdag pa niya.