Roque biktima ng fake news –Robredo

NIRESBAKAN ni Vice President Leni Robredo si presidential spokesman Harry Roque na ipinakakalat umano na kontra siya sa paggamit ng bakuna mula sa Sinovac ng China laban sa Covid-19.


Sa kanyang lingguhang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na fake news ang kumakalat na hindi siya bilib sa Sinovac.


“Gusto ko iklaro may nagka-fake news, sinisiraan ko raw ang Sinovac dati,” ayon sa vice president.


Ito ang sagot ni Robredo sa sinabi ni Roque na hindi pabor sa ipinanukalang infomercial na pagsasamahan niya at ninPangulong Duterte para himukin ang publiko na magpabakuna.dahil sa ‘pamumulitika” umano ng vice president sa Sinovac.


Pero ipinunto ni Robredo na “hindi natin sinasabi na hindi siya [Sinovac] maganda.”


Aniya, kinuwestiyon lamang niya noon ang Sinovac na kahit wala pa itong positibong rekomendasyon mula sa Health Technology Assessment Council (HTAC) ay binigyan na ito ng emergency use authorization (EUA) ng pamahalaan.


Idinagdag din niya na sinabi rin noon ng Food and Drug Administration na hindi nito inirerekomenda ang Sinovac sa mga health workers dahil sa low efficacy rate nito.