UMAASA si Vice President Leni Robredo na ipagpapatuloy ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio ang mga nasimulang proyekto nito sa kanyang tanggapan.
Tiniyak din ni Robredo na ang kanyang tanggapan ay nagsasagawa na ng mga transition meetings kasama si Duterte-Carpio at kanyang team.
“Sana … ‘yung mga nasimulan ay tuloy pa din. Nagkaroon na ng several na transition meetings. Okay naman,” ayon kay Robredo.
“Okay naman ‘yung mga transition meetings. Receptive naman ‘yung team na papasok,” dagdag pa niya.
Ipinaliwanag din niya na ang nakaraang OVP (Office of the Vice President) ay nagkaroon ng mga programa sa tulong medikal, kaya naman naniniwala siya na ang mga medikal na pagsisikap na sinimulan ng kanyang tanggapan ay itutuloy ng papalit sa kanya.
“Tingin ko naman to a large extent itutuloy pa din. Siguro ‘yung mas kwestyon lang ‘yung mga programang hindi institutional, kasi marami kaming inumpisahan na programa na hindi talaga siya bahagi ng OVP,” ayon pa kay Robredo.
“Tingin ko naman to a large extent itutuloy pa din. Siguro ‘yung mas kwestyon lang ‘yung mga programang hindi institutional, kasi marami kaming inumpisahan na programa na hindi talaga siya bahagi ng OVP,” dagdag pa ng outgoing Vice President.