2 nahulog mula sa flyover, nag-landing sa riles ng MRT

DALAWANG lalaki ang nasawi matapos mahulog mula sa flyover at lumanding sa riles ng MRT sa pagitan ng Taft at Magallanes station Linggo ng gabi.

Ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) hindi pa nakikilala ang dalawang lalaki na nahulog dahilan para pansamantalang isuspinde ang operasyon ng tren.

Madali namang pinakilos ang response team ng MRT para saklolohan ang dalawang lalaki na hindi pa rin nakikilala, ngunit nasawi rin ang mga ito.

Alas-6:37 ng gabi nang mangyari ang insidente.

Itinanggi ng pamunuan ng MRT na nagkaroon ng breakdown sa system ng tren matapos ang insidente.

“No breakdowns on MRT-3 system have been reported,” sabi ng MRT-3.

Nagpatuloy naman ang biyahe sa southbound ng MRT-3 alas-7:26 ng gabi.

“PNP-SOCO has already arrived at the scene to investigate,” dagdag ng MRT-3.