IBINAHAGI ni dating Vice President Leni Robredo na nakatakda na siyang bumalik sa bansa matapos ang ilang buwang pamamalagi sa Amerika.
“Last stretch of my US trip. In two days, I will be back home in Manila. Drove from New York to Boston this afternoon. Unlike our Boston-New York-Pennsylvania trip last Dec 22, there was not a lot of traffic today. It took us a little less than four hours to drive the 332 kilometer distance (with one stopover),” sabi ni Robredo sa kanyang Facebook post.
Ikinumpirma rin ni Robredo ang biyahe mula Naga hanggang Maynila kung saan inaabot ito ng walong oras.
“Naga is 409 kilometers from Manila. It takes about eight hours by private car (more by bus). Hindi masamang mangarap na umiksi na din travel time. Hindi lang makakauwi ng mas madalas pero maraming negosyo ang mabubuhay,” aniya.
Ayon pa kay Robredo, magkakahiwalay sila ngayon ng mga anak kung saan nasa Chile si Tricia para sa kanyang pag-aaral.
“Iniwan namin si Aika sa New York pero flying out to Manila na siya in a few hours. Hinatid lang ako ni Jillian dito pero pauwi na rin ako. Balik trabaho na rin siya bukas. Mahal ang train pag holiday. Mas mura pag mag rent-a-car. Na eenjoy ko mag long drive, lalo na at halos nine na taon pala akong may driver. Bumawi ng husto nung andito ako,” sabi ni Robredo.
Ayon kay Robredo, dalawang buwan siyang nagtrabaho sa Harvard.
“Nakapagpahinga at nakapagpasyal din kasama ang pamilya mula Dec 16. Ngayong, pauwi na, energized na uli at marami nang trabahong naghihintay,” aniya.