PAGLABAG sa karapatan ng mga artista ang sapilitang drug test, ayon sa aktor at senador na si Robin Padilla.
Ayon kay Padilla, kung magkakaroon ng mandatory drug testing ay dapat unahin ang mga opisyal ng pamahalaan at kanilang mga tauhan.
“Hindi maaaring obligahin ang sinuman na magpa-drug test dahil maaaring labag ito sa kanilang karapatang pantao. Mas mainam kung boluntaryo ang kanilang drug test. Para na rin ito sa kanilang kapakanan at kaligtasan,” paliwanag ng mambabatas.
“Mas nararapat na sumailalim sa drug test ang ating mga opisyal at kawani ng pamahalaan — na may tungkuling magbigay ng mabuting halimbawa para sa kapwa nating Pilipino,” dagdag ni Padilla.
Ito ang sagot ni aktor-politiko sa panukala ni
Surigao de Sur Rep. Robert Ace Barbers na dapat munang sumailalim sa drug test ang mga artista bago sumabak sa taping o shooting.
Ginawa ni Batbers ang suhestiyon makaraang maaresto ang aktor na si Dominic Roco dahil sa umano’y pagtutulak sa Quezon City kamakailan.
Paliwanag ni Barbers na dapat maging huwaran sa publiko ang mga artista at ang mandatory drug test ay magsisiguro na hindi sila gumagamit ng droga.