Rights violations sa ilalim ng Duterte admin pinakamalala –CHR

KUNG ikukumpara sa ibang administrasyon, pinakamarami at pinakamasahol ang mga paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng pamahalaan ni Pangulong Duterte, ayon sa Commission on Human Rights (CHR).


Ginawa ng CHR ang pahayag sa gitna ng mga imbestigasyon nito sa mga pagpatay sa isang ginang sa Quezon City at isang lalaking may autism sa Valenzuela City ng mga alagad ng batas.


“No particular administration has been spared of human rights violation. Every administration committed its fair share of human rights violation, but there never has been a time we have been so overwhelmed with the number of cases we are handling right now,” ani CHR spokesperson Jacqueline de Guia sa isang panayam.


Naniniwala rin ang CHR na mas lumakas ang loob ng mga pulis at militar na mang-abuso dahil sa mga pahayag ni Duterte.


“He’s the most influential official in the country. Words matter. We have repeatedly said he’s very influential to his constituents even to government officials under him and therefore we would want the highest-ranking official to encourage accountability and to make sure the justice system is working not only for a select few but for everyone,” dagdag ni de Guia.


Sa kasalukuyan ay nasa 3,295 kaso ng pagpatay sa mga drug suspects, mamamahayag, abogado, huwes at aktibista ang iniimbestigahan ng CHR.