INILABAS ng Department of Justice (DOJ) ang resulta ng autopsy sa sinasabing middleman sa pagpatay sa brodkaster na si Percy Lapid kung saan lumalabas na walang senyales ng external physical injury sa inmate na si Jun Villamor.
Pinirmahan ng autopsy report ng medico-legal officer na si Dr. Marivic Villarin-Floro.
“There were no apparent sign of external physical injury,” sabi ni Villarin-Floro.
Nauna nang kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na namatay si Villamor noong Oktubre 18 sa loob ng New Bilibid Prison.
Si Villamor ang isa sa itinurong middleman ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.