IBINASURA ng Palasyo ang resolusyon ng Senado na nananawagan na isuspinde ang operasyon ng e-sabong sa bansa sa harap naman ng pagkawala ng 34 na sabungero sa bansa.
Sa isang memorandum, ipinag-utos ni Executive Secretary Salvador Medialdea kina Interior Secretary Eduardo Ano, Justice Secretary Menardo Guevarra ang imbestigasyon kaugnay ng pagkawala ng mga sabungero.
“Unless otherwise directed, the operations of e-sabong licensees, shall remain unaffected, pending the results of the investigations,” sabi ni Medialdea.
Nauna nang ipinasa ng Senado ang Senate Resolution 996 na nananawagan kay Pangulong Duterte na ipatigil muna ang operasyon ng e-sabong.
Palasyo ibinasura ang resolusyon ng mga senador na nananawagan ng suspensyon ng operasyon ng e-sabong sa bansa.