IBINASURA ng Ombudsman ang reklamong bribery na isinampa kay dating Senador Leila de Lima at dati niyang aide na si Ronnie Dayan.
Sa resolusyon na pinirmahan nitong Hulyo 22 at inilabas nitong Martes, Agosto 9, sinabi ng Ombudsman na wala itong nakikitang dahilan para ituloy ang pagsasampa ng kaso laban sa senador na ngayon ay nakadetine sa Camp Crame.
May mga butas na nakita ang Ombudsman sa mga testimonya na nakalakip sa reklamo laban kay De Lima dahilan para ibasura ang kaso, ayon sa Special Investigation Team ng Office of the Ombudsman.
Ang reklamo ay nag-ugat sa di umano’y pagtanggap ni De Lima ng bribe money na kinolekta ng kanyang aide na si Dayan mula sa self-confessed drug dealer Kerwin Espinosa.