BLACKPINK concert sa March 2023 na

BLINKS ready na ba kayo?

Bawal muna mag-SB (Starbucks) o kaya mag-milktea, tiis-tiis muna hanggang makaipon ng pambili ng ticket para sa Blackpink concert na nakatakdang gawin sa Marso 25, 2023.

Isa ang Manila sa napili ng K-pop girl group na pupuntahan nila para sa kanilang upcoming “Born Pink” World Tour.

Wala pang detalye kung kailan magsisimula ang bentahan ng ticket at kung saan gaganapin ang concert.

Matatandaan na huling nag-perform ang third generation IT girls na si Jennie, Lisa, Rosé, and Jisoo noong 2019.