ISINIWALAT ng kakaproklama pa lang na senador na si Raffy Tulfo na plano niyang kumuha ng kursong Public Administration bilang paghahanda sa pagiging mambabatas.
“Mag-aaral ako Public Administration. Ako’y nag-scout na ng school para matuto ako,” aniya sa isang panayam.
Inihayag ng brodkaster na mula nang maghain ng certificate of candidacy noong Oktubre ay kumonsulta na siya mga dating mambabatas at mga abogado sa paggawa ng batas.
“I know what I’m doing kasi meron akong karanasan sa mga batas na ipapapasa ko. However, I still need to learn. It’s a learning process. I still need to study, kaya nga mag-aaral ako,” giit niya.
Pangatlo si Tulfo sa listahan ng mga nagwaging senador sa nakaraang halalan sa botong 23.3 milyon.