UMABOT na sa dalawang milyong printed na ePhilIDs, ang digital version ng Philippine ID, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong Martes.
Idinagdag ni PSA National Statistician at Civil Registrar General Undersecretary Dennis Mata na noong Nobyembre 11, 2022, nakapag-print na ng 2,063,007 ePhilIDs sa mga PhilSys registration center sa buong bansa.
“The PSA is thankful to the public’s overwhelming support for the printed ePhilID. We would like to underscore that every registered person will receive their physical card even if they have already claimed their printed ePhilID,” sabi ng Mata.
Idinagdag ni Mata na kagaya ng aktuwal na card, libre ang pagpapa-print ng ePhilID.
Idinagdag ni Mata na nararapat na tanggapin ang mga printed na ePhilIDs sa mga transaksyon maging sa mga bangko.
Aniya nagpalabas na Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng memorandum para sa paggamit at pagtanggap ng printed ePhilID bilang valid government ID.