INAPRUBAHAN ng house committee on suffrage and electoral reforms ang panukalang i-postpone ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sanang gawin sa Disyembre.
Sa inaprubahang panukala, ipagpapaliban ang halalan ng isang taon na inaasahang gagatusan ng pamahalaan ng mahigit P5 bilyon.
Sa isinagawang pagdinig nitong Martes, 12 miyembro ng komite ang pumayag na ilipat ang halalan sa Disyembre 4, 2023. Ikalawang pagpapaliban na ito, nauna nang na-postpone ang nakatakda sanang eleksyon noong Mayo 2018.