SINABI ni Sen. Grace Poe na dapat tiyakin ng pamahalaan at mga
telecommunications companies (telcos) na magiging madali lang para sa publiko ang pagpaparehistro ng Subscriber Identity Module (SIM) na magsisimula na sa Martes, Disyembre 27.
“The SIM registration should be as easy as texting or sending a message,” sabi ni Poe.
Idinagdag ni Poe na dapat tiyakin din ng National Telecommunications Commission (NTC) at mga telcos na magiging secured ang impormasyon ng mga subscriber.
“Telcos should have portals for registration that are user-friendly and secure to encourage mobile users to enlist without hassle and interruption of services,” ayon pa kay Poe.