ISA ka rin ba sa milyon-milyong Pinoy na nakararanas na palpak na Internet service ng mga telecommunications companies?
Dahil dito muling inihain ni Senador Grace Poe ang panukala na magsusulong ng mabilis, maasahan at murang internet connectivity sa buong bansa.
Una nang inihain ni Poe ang Better Internet Act noong 2020 na mag-aatas sa lahat ng public telecommunication entities (PTEs) at internet service providers (ISPs) sa bansa na palaganapin ang scope ng serbisyong ibinibigay nito sa publiko at mapanatili ang mas mabilis, may kaledad at tuloy-tuloy na internet connectivity.
“Undoubtedly, the internet has become an essential tool to survive and thrive. We should therefore bolster public access to it,” ayon kay Poe sa isang kalatas.
“Ensuring access to fast and affordable internet connection is not only an option if we want our country and people to be competitive. It should be a priority.”
Sa panukala, aatasan ang National Telecommunications Commission (NTC) na magpairal ng minimum standard on connection, reception, just pricing and billing practices sa mga PTEs at ISPs.
Hindi naman magbibigay ng minimum internet speed sa mga libreng internet services.
Sa mga PTEs at ISPs nahindi susunod, papatawan ng multa mula P200,000 hanggang P2 milyon sa bawat violation.