HINILING ni Senador Grace Poe sa pamahalaan na magsagawa muna ng konsultasyon bago buuin ang implementing rules and regulations ng bagong batas na Subscriber Identity (SIM) Registration Act.
Ito ay upang bigyan ng katiyakan ang publiko na ligtas ang anumang kanilang pribadong impormasyon habang nilalabanan ng pamahalaan ang mga text scam at iba pang uri ng misinformation.
“We await an IRR that will embody the spirit of the law to provide the people a defense in fighting text scams and misinformation,” ayon kay Poe sa isang kalatas nitong Linggo.
“The rules will get the ball rolling on our aim to provide a secure and safe mobile phone use in the country while protecting the right to privacy,” giit pa niya.
Kailangan anya na bigyan ng katiyakan ang publiko tungkol sa kaligtasan ng kanilang mga pribadong impormasyon lalo ngayon na mayorya ng mga Pinoy ang matindi ang suporta sa bagong SIM Registration Act.
Matatandaan na sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations, 60 porsiyento ng 1,500 respondents ang may mataas na approval sa bagong batas.
Ayon kay Poe, na siyang principal author ng Republic Act 11934, kailangan ang IRR upang makatiyak ang publiko na maipatutupad ang batas ng maayos at ligtas.
“Coming up with the IRR not only signals the urgency to protect the people from scams and misinformation. It also conveys that registration will be facilitated efficiently and securely,” ani Poe.
Kailangan anyang malinaw ang registration requirements at ang proseso upang makapag-comply nang maayos ang publiko.